Jan 27, 2012

Watch Your Step ~Part 1

I used to like stories that other people read.
I used to like music that other people listen to.
I used to like things that other people want.
But a lot of that changed when this one event happened in my life.



-----------------------------------------------------------------------------------------------


My name is Lian Ramirez. I'm a simple person. Mababaw daw ang kaligayahan ko sa buhay pero maraming gusto. Mahirap malaman kung may problema ako dahil sobrang malihim ko. I can keep a secret and keep it a secret all my life. Madami akong nagawang kalokohan sa buhay ko pero simula ng makilala ko si Robert Gonzales naisip kong magbago.
Please seat back and relax. Read what kind of start this relationship of ours had.


-----------------------------------------------------------------------------------------------
"Oh my gosh! I'm so late! Kainis naman kasi itong panahon na ito. Bigla bigla na lang uulan wala man lang pasabi." Asar na asar na sabi ko habang nakasakay ng bus papuntang LRT Buendia. Late na kasi ako sa isang meeting. Buti na lang wala daw ibang appointment kung hindi lagot ako sa boss ko.

Pagbaba ko ng bus, tumila na yung ulan. Pwede ko ng lakarin hanggang sa office nila dahil sobrang lapit lang naman talaga. Nung medyo malapit na ako sa office nila, inayos ko na yung hair ko. Siyempre konting ayos ng damit kasi nagusot. Nung sumilip ako sa gate, inantay kong may magbukas. Nauna yung Persian Cat na alaga ni Sir Ramos pero ang nasa likod nya isang nilalang na noon ko lang nakita.

He was a man I've never seen before. Tall, dark, and very handsome!!!! As in.. Dimples pa lang ulam na, ano pa kaya yung ano. Ahahahaha.

"Ikaw ba si Ms. Ramirez?" bati niya habang binubuksan yung gate.

"Yes. I called earlier na malalate due to weather problems. Si Sir Ramos ba nandiyan pa?" kalmado kong sabi kahit na yung kaloob looban ko nanginginig.

"Lumabas lang saglit pero babalik din yun agad. Mag intay ka na lang sa office." sabay turo ng office. He gave me a chair and naupo na siya sa desk niya. Mukhang isa siya sa mga assistant ni Sir Ramos. Infairness, gwapo talaga siya.

I made myself busy sa notebook ko at tinignan kung ano ba ang main reason why ako nandoon. As I read, I kept glancing at his back. (Nakatalikod kasi sa akin si pogi.)

Then dumating si Ma'am Rhea, secretary ni Sir Ramos. "Lian, mukhang inabot ka ng ulan ah. Want some coffee, juice or what?" tanong niya sa akin.

"Don't mind me. Nandito lang ako for the papers na kailangan naming ipaasikaso." tanggi ko pero still busy with my notebook.

"Robert, ikuha mo na si Lian ng juice. Nahihiya lang yan." utos niya kay pogi. "Lian, si Robert kapatid ni Sir Ramos. Robert, si Lian, anak ni Sir Ramirez." pasimpleng pakilala ni Ma'am Rhea sa aming dalawa.

Wala akong magawa kundi ngumiti dahil nakangiti din siya sa akin. "It’s nice to meet you, Robert. Thank you for opening the gate for me." Ganyan talaga ako, English na pag kinakabahan or may gustong itago like the feeling ng kinikilig.

"Wala yun. Anyway, wait lang ikukuha lang kita ng juice." paalam ni Robert.

"Gwapo ni Robert ano. Single pa yan. Kasing edad mo lang." sabad ni Ma'am Rhea.

Natameme na lang ako. Tutal wala naman akong matinong sasabihin. Nang makabalik si Robert dala ang juice at cookies, di ako nagsasalita. I was too bothered by him.

Nang dumating si Sir Ramos, we talked about business stuff. Pasimple lang ang tingin kay Robert. Di ko alam kung tumitingin din ba siya sa akin. Nahiya naman akong mahuling nakatingin sa kanya diba?

The meeting ended late like almost dinner time. Nauna nang umalis si Ma'am Rhea at dahil may pupuntahan pa daw si Sir Ramos ay naiwan ako sa office to wait for the notes na piniprint ni Robert.

"Saan naman punta mo after here?" pagbasag ng katahimikan ni Robert.

"Actually, uuwi na ako." pero deep inside may kasunod yun na *Pwedeng pwede akong dinner? I mean kasama mag dinner.*

"Gusto mo sumabay ka na lang sa akin palabas ng village para di ka na maglakad ng malayo?" aya sa akin ni Robert.

Disappointed man pero sumagot naman ako ng "Thanks!" At least, I get to have more time with him. So we went out. Nagulat ako when he didn’t stop sa may kanto. We went somewhere else, a restaurant.

“Kumain muna tayo. I know you’re famished.” Pagrereason niya.

So kumain kami. He ordered for me and we get to know more of each other. I wanted to ask a lot per nahihiya ako. Baka kasi maoffend ko siya.

“I had a nice time.” Pagpapaalam ko sa kanya. “Thanks for the dinner. Next time, treat ko naman. Kakahiya sa’yo”

“Don’t worry. Wala yun. Isa pa malungkot kumain mag-isa.” Sagot nya.

“Tama ka din. I need to get going. Almost eight PM na pala. Gagabihin ako sa biyahe nito.”

“Hatid na kita sa terminal. Ginabi ka tuloy dahil sa kakakwento ko.”

Eventually, siya lang yung nagkwento that time. Shy nga kasi diba? Hinatid niya ako sa may terminal ng bus then hiningi niya yung number ko. Kilig naman ang lola mo. Siyempre binigay ko diba!

No comments:

Post a Comment