Si bilas ang kumakatok, ang inaasahan kong darating ng mga
oras na yon ay si Erika, kaya laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay si
bilas ang makita ko, may kasama ito at sa itsura nila mukhang mga nakainom.
Bilas: bakit ayaw gumana nitong susing binigay mo, at saka
bakit nandito ka na, si ate mo dumating na ba? Sunod sunod na tanong ni bilas
sa akin….
Me: baka lang hindi ayos ang pagkakasuot mo ng susi, tingnan
ko nga, kinuha ko yung susi sa kamay niya at sinuot ko sa susian, pinihit ko
yon at…o ayan kuya o gumagana naman siya, si ate natutulog sa kwarto,
kadarating ko lang.