Jun 27, 2012

Aking bilas 13


Nag forward scan pa ako….nakita ko ng bumangon si Erika…tapos ay nagtungo sa banyo at naligo, matapos makapaligo ay bumalik na ito sa kwarto nakabihis na at handa ng pumasok sa kanyang trabaho…sumunod naman ay si ate ang bumangon, halatang masakit ang buong katawan at mukhang may hang-over…dahan dahan itong nagtungo sa banyo…naligo at matapos maligo ay mukhang medyo guminhawa ang katawan nito, matapos makapagbihis ay tinungo na ang kusina at doon na nag almusal…si bilas ay medyo tanghali na ng magising….tapos ay wala ng gaanong nangyari…maliban sa pag papahinga nila ate at bilas habang nanonood ng tv….hangang sa dumating ako…dito ko na tinapos ang panonood ko ng na-record na video, tamang tamang kaliligpit ko lang ng monitor ng pumasok si ate sa kwarto at…
Ate: musta na pakiramdam mo…nandyan na si Erika…nakahain na…salo salo na tayong maghapunan…
Me: sige ate…susunod na ako…

Halos magkasunod lang kaming lumabas ng kwarto ni ate…diretso na kami sa kusina…nandoon na sila bilas at si Erika…habang kami ay kumakain ay kwento ng kwento sila ate at bilas, parang walang anomang nangyayaring kakaiba sa pagitan nila bilas at Erika, madalas pa ngang tinatanong ni bilas si Erika tungkol sa kanyang trabaho, kinuwento din nito ang mga nakatutuwang na-experience nilang dalawa ni Roger lalo na nung sila ay mga binata pa…gayun din nung sila ay may mga asawa na…karamihan sa kwento ay mga nakatatawa kaya habang kami ay kumakain ay tawanan ng tawanan kami …