Girlie’s Journal – The Final Entry (Epilogue)
Matatapos na an taon nang pumanaw si Girlie. Sa kabila ng mga therapy at gamot, hindi rin nailigtas ang kanyang buhay. One final collapse at nagcomatose na siya. Hindi na nairevive.
Isa sa mga habilin ni Girlie ay icremate siya and her ashes scattered sa dagat. Hindi iyon pinagbigyan ni Arman. Naicremate nga pero ung urn ay inilagay niya sa isang maliit na cubicle na pinasadya niya sa kuwarto nilang mag-asawa.
Kasalukuyang nagpapahinga ang matandang doktor nang makita niya muli ang itim na libro, ang diary ni Girlie, kung saan naisulat na niya. Maingat na naitabi ito kasama ng ilan pang gamit ni Girlie. Hiningi ng pamilya ni Ms. Dela Cruz ang iba pang mga damit nito at kanya namang ibinigay.
Binuklat ni Arman ang libro. Nakita niya ang mga larawan nila ni Girlie, ang picture ni Gilbert, mga plans, appointments at addresses sa trabaho. Yung mga entries niya about her sexual stories ay nakahiwalay, nakastapler para hindi mabasa ng kung sino. Maraming mga blank pages, pero nagulat si Arman dahil merong nakatuping pahina. Binuklat niya ito at binasa.
Entry Date: Forever
Hello Arman, my Husband,
Siguro nagulat ka, me naisulat akong entry para sayo dito. Maikli lang ito, kagaya ng buhay natin, maikli din. Pero alam ko maiintindihan mo ito.
Arman, maraming salamat. Thank you for loving me, for being there for me, for the laughters and the tears. Nung una nagaalangan ako magpakasal sa iyo. Nung una, naisip ko mukha at katawan ko lang gusto mo, gaya ng iba pang mga lalaking nagdaan sa buhay ko.
Pero mali pala ako. Mahal mo ako dahil ako ay ako. Tinanggap mo kung sino ako, kung ano ako. Hindi mo ginamit ang propesyon mo o ang estado mo sa buhay para pagsamantalahan ako during my weakest days. Malimit nga hindi mo na inintindi ang trabaho mo dahil sa akin.
Nagkakamali ka nung sabihin mo na hindi na ako nagmove on mula nang mamatay si Gilbert. Sa pinakita mo sa akin, kahit anong sakit na naramdaman ko, tinanggal mo lahat. I married you because you love me, and you showed it.
They say the best kept memories are the ones you need not write. So hindi ko na nilagay dito mga sexual adventures natin. Alam ko naman kaunti lang yun, pero matatamis na alaala yun para sa akin.
Kung sakali sa paglisan ko, may iba kang babaeng makita, mabibigyan ka ng anak, isang bagay na hindi ko maibigay sa iyo, suyuin mo at pakasalan siya. I will be very happy for you.
Masakit na ulo ko at nanghihina na naman ako. I have to rest na.
I love you.
Girlie.
Sinara ni Arman ang itim na libro. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya pnigilan na pumatak ito sa sahig.
Wakas
No comments:
Post a Comment